‎[Intro]
Yeah

‎[Verse]
‎Ano pa ba mga pwede ko sabihin?
‎Kasi parang nagawa ko na lahat
‎Naisulat mga rap
‎Na ang tema ay yung pera at yung mga naranasan sa babaeng masarap
‎O yung mga naranasan ko noon, ha?
‎Yung mga nalasahan ko na droga?
‎Yung mga tinawanang kumokontra?
Malakas amat namin sa ngayon
‎Mataas yung bayad sakin sa ngayon
‎Bago kami gumanap
‎Limangdaang libo na 'ko bago kami lumapag sa entablado
‎O pakita mga kaya ko gawin
‎Pagod na 'ko pakitaan ka pa din
‎Ano ba yung mas kailangan ko gawin?
Yung kuhanin ko yung pera o ako yung patunayang magaling?
‎Yung estilo ko nung bago 'ko yumaman, masikatan madali!
‎At nung ginawa ko dati nung edad ko labing anim na taon yung ganito, ginagaya niyo na din
‎Unang beses ko gawan yung mga beat ni kuya Klumz
‎Daming mga rapper pinasahan niya ng grams
‎Ng Kush kilo-kilo nilalatag nasa drum
‎Kahirapan nung wala pang mga fans
‎Pero nung 'di ko sinayang mga chance
‎Simula nagkapangalan na si Shants
‎Simula nung binayaran ng advance
‎Kaya ko ulit dalhin sa bahay namin yung babae
‎Oo, lalo na kapagka nasibak ko na siya once
‎Dati nung hindi pa 'ko sikat
‎Ay madami nang babae yung mga nagpasibak
‎Simula nung makilala ko si Gloc
‎Kahit anong entablado matapakan ko, wasak!
‎Galing kami sa kalsadang puro tulak ng bato at marijuana
‎Araw-araw yung mga nakakasama
‎Parang hirap maniwalang ito na 'ko
‎Nasa akin na yung pera at alahas sa leeg ko mabigat
‎Na mainit sa mata ng kawatan na bago ako isahan ay maliligo siya sa bala
‎Kahit mag-isa ako walang kasama bago sakin makalapit uunahan na kita, ha?
‎'Di katulad dati na binabalewala nila 'ko
‎'Di na pwede ay yung tatanga-tanga, ha?
Simula nung makilala ako samin ay hindi ko mabitawan yung baril at marijuana
‎Kasi may iba na pinapanuod at inaabangan ako makagawa ng mga shit
‎'Di ako magtataka kung taniman ako
Ikalat na nagtutulak ako ng mga weed, ng coke

‎[Outro]
‎Pukininginang industriya 'to
‎Ginawa ko lang yung musika ko
‎Pero dahil lang hindi ko pinayagang mauto din ako
‎Masaya ka abusuhin ako
‎Tanginang 'yan