Super Pinoy Lyrics
Read the complete lyrics to “Super Pinoy” by Jolina Magdangal from the album “Songs”. Browse more Jolina Magdangal songs or search for other tracks.
[Intro: Quarter to Five]
Lipad, angat, tuloy-tuloy
Ang galing-galing mo
Bilib ako sa 'yo
[Verse 1: Jolina Magdangal]
Oh, sa hirap ng buhay, tinataguyod ang pamilya ni nanay
Wala man ang asawa
Sa sipag at tibay, nagpupuyat mag-sampaguita si Totoy
Estudyante sa umaga
Sa lupang dayuhan, si manang ay naninilbihan
Sa buhay mong laan, ang galing-galing mo
Bilib ako sa 'yo, super Pinoy
[Verse 2: Jolina Magdangal & Quarter to Five]
Ano'ng hinaharap? Ipagtatanggol ang Inang Bayan na kawal
Panganib ay labanan
Buong pagsisikap binubuhos ang kagalingan ng atleta
Medalya'y mapanalunan
Sa dakong sa'n pa man, anong larangan mang tanghalan
Sa husay mong laan, ang galing-galing mo (Ang galing-galing mo)
Bilib ako sa 'yo, super Pinoy
[Chorus: Jolina & Quarter to Five]
Lipad sa bawat sulok ng mundo
Angat ang bayaning Pilipino
Lipad, angat, tuloy-tuloy
Ang galing-galing mo
Bilib ako sa 'yo, super Pinoy
[Verse 3]
Lahat pinipitak, basta't tulungan lang ang kapwa-tao
'Di bale kung magkano
Lahat inaaral, patuloy lang ng paglingkod, serbisyo
Sa bawat Pilipino
Ang pagpapala mo, nadarama ng kahit sino
Walang katulad mo (Ikaw), ang galing-galing mo (Ang galing-galing mo)
Bilib ako sa 'yo, super Pinoy
[Chorus: Jolina & Quarter to Five]
Lipad sa bawat sulok ng mundo
Angat ang bayaning Pilipino
Lipad, angat, tuloy-tuloy
Ang galing-galing mo
Bilib ako sa 'yo, super Pinoy
[Bridge: Jolina Magdangal]
Ang galing-galing mo
Bilib ako sa 'yo, super Pinoy
[Chorus: Jolina & Quarter to Five]
Lipad (Lipad, lipad)
Angat (Angat)
Lipad, angat, tuloy-tuloy
Ang galing-galing mo
Bilib ako sa 'yo, super Pinoy
[Outro: Jolina Magdangal]
Ang galing-galing mo
Bilib ako sa 'yo (Bilib ako sa 'yo), super Pinoy